Ang larong sambunot ay parang agaw panyo rin, ang pinagkaiba lang ay sa sambunot ay bunot ang pinag aagawan. Una munang kailangang gawin ay hatiin ang mga players sa dalawang grupo at sa bawat grupo ay mag aasign kayo nang numbers niyo. Ang mga numbers na tatawagin nang lider sa gitna ang mga mag aagawan sa bunot. Magkakaroon ng puntos ang isang team kapag nadala nila sa base nila ang bunot.
Isa ito sa mga kinagigiliwan kong laro dahil kailangan mabilisi ang iyong reaction time at ang iyong pagkilos. Kapag ikaw ay babagal-bagal, nakakatawa ka. haha. Parang nakapaglaro na ako nang ganito dati pero hindi bunot, marami pa nga ako noon na kalarong mabibilis at kami lagi ang talunan.
Ang napili kong MVP para sa larong ito ay si Neshi, dahil nung tinawag na siya parang walang gustong makipag agawan sa kanya tapos nung tinawag yung mga babae kinareer niya din ang pagkuha sa bunot.
Isa sa mga gusto kong gawing variations para dito ay yung merong base sa bawat grupo tapos babantayan nila yung bunot nila para hindi makuha nang iba. At isa pa ay kapag nahawakan mo ang bunot bawal ka nang gumalaw, dapat ipasa mo sa susunod na kakampi mo ang bunot pero bawal mahawakan nang kalaban ang bunot.
At dahil diyan ang ibibigay kong award para sa larong ito ay:
ANG PINAKA-WAG-NIYO-AKONG-PAG-AGAWAN AWARD
(para sa nakakaawang bunot)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento