Ang bilanguan ay isang laro, hindi ito yung kulungan nang mga kriminal, pero ang larong bilanguan ay may kinalaman din sa kulungan dahil isa itong laro ng dalawang grupo na kailangang ipasok ang mga kalaban niyo sa loob nang kanilang kulungan
Ganito ang mechanics:
Una, kailangan munang magdesisyon ng grupo kung paano hahatiin ang mga miyembro. Maaaring tatlo o higit pa ang kailangan para sa isang bilanguan. Maaari kayong gumawa ng maraming bilanguan kung gusto niyo. Ang gagawin lang niyo ay maghahawak kamay para makabuo ng closed circle o kahit anumang shape. Ang goal ninyo ay maipasok ang kalaban sa loob ng bilanguan ninyo pero kailangang makabitaw muna ang kalaban sa iba pa niyang kakampi para tuluyan na siyang maging preso ninyo. Pwede rin na buong bilanguan nang kalaban ninyo ang inyong maging preso kapag napasok niyo silang lahat. Sa huli, ang may pinakamaraming preso ang panalo.
Medyo brutal ito na laro dahil sa kailangan mong gumamit nang lakas para mapasok ang kalaban ninyo sa bilanguan ninyo at kailangan din mahigpit ang kapit mo sa iyong mga kakampi para di ka nila makuha.
Base on experience, brutal talaga ang game na ito lalo na kung sobrang competitive nang mga kalaban mo. Meron akong nakita na sobrang hinihila na siya pero di pa rin siya bumibitaw sa kakampi niya tapos yung iba nakataas ang kamay para di makuha ng kalaban. Sa huli, wala yatang nanalo sa amin.
Ang mga gusto kong gawing mga pagbabago o mga variations na gusto kong idagdag sa larong ito ay yung may mga taong hindi kasama dun sa bilanguan tapos sila lang yung huhulihin nang mga bilanguan. Tapos isa pang naisip ko ay yung kapag nakuha ka o naging preso ka nang ibang team, magiging kakampi ka na nila tapos masasama ka na sa bilanguan nila.
Wala naman akong naalala na naglaro ako nang katulad nang larong ito noong bata pa ako, ang naalala ko lang ay yung palakang walang kaawa awa. Tapos ang kapansin pansin sa mga naglaro ay si Louvile, siya yata yung kakampi ko na kung saan saan na dinila yung kamay ko.
Ang Award na ibibigay ko sa game na ito ay:
ANG PINAKAMASAKIT-SA-BRASO-AWARD
(nang bilanguan)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento