Miyerkules, Marso 16, 2011

SAMBUNOT: AKIN KANG BUNOT KA!

Ang larong sambunot ay parang agaw panyo rin, ang pinagkaiba lang ay sa sambunot ay bunot ang pinag aagawan. Una munang kailangang gawin ay hatiin ang mga players sa dalawang grupo at sa bawat grupo ay mag aasign kayo nang numbers niyo. Ang mga numbers na tatawagin nang lider sa gitna ang mga mag aagawan sa bunot. Magkakaroon ng puntos ang isang team kapag nadala nila sa base nila ang bunot.

Isa ito sa mga kinagigiliwan kong laro dahil kailangan mabilisi ang iyong reaction time at ang iyong pagkilos. Kapag ikaw ay babagal-bagal, nakakatawa ka. haha. Parang nakapaglaro na ako nang ganito dati pero hindi bunot, marami pa nga ako noon na kalarong mabibilis at kami lagi ang talunan.

Ang napili kong MVP para sa larong ito ay si Neshi, dahil nung tinawag na siya parang walang gustong makipag agawan sa kanya tapos nung tinawag yung mga babae kinareer niya din ang pagkuha sa bunot.
Isa sa mga gusto kong gawing variations para dito ay yung merong base sa bawat grupo tapos babantayan nila yung bunot nila para hindi makuha nang iba. At isa pa ay kapag nahawakan mo ang bunot bawal ka nang gumalaw, dapat ipasa mo sa susunod na kakampi mo ang bunot pero bawal mahawakan nang kalaban ang bunot.

At dahil diyan ang ibibigay kong award para sa larong ito ay: 


ANG PINAKA-WAG-NIYO-AKONG-PAG-AGAWAN AWARD
(para sa nakakaawang bunot)

PARES PANYO: WALA NAMANG PUNITAN NANG PANYO

Ang larong ito ay sobrang masaya kasi mang aagaw ka nang panyo nang iba tapos may panyo ka din na dapat nakaipit sa may bandang likod mo. Kapag naagaw na yung sayo pwede ka pa ring mang agaw hanggat di pa naaagaw yung panyo nang kapartner mo. Ang goal mo dito ay makakakuha ng may pinakamaraming panyo mula sa kalaban para manalo. 

Isa ito sa pinakamasayang nilaro namin dahil sobrang competitive ng mga classmates ko, nandyan yung mga napunit na panyo at nasirang id laces dahil sa hilaan pero enjoy pa rin kami. Meron pa ngang nakipag-kontsabahan sa ibang pairs para lang matanggal yung mga magagaling. Kailangan ninyo dito talaga dito nang coordination ng kapartner mo  para marami kayong makuhang panyo at hindi makuha ang panyo ninyo. Katulad nang ginawa namin ng partner kong si Badeth na siyang napili kong MVP para sa larong ito.  


Naalala ko dito yung larong parang dragon's tail yata yun na nalaro ko noong bata pa ako pero parang wala pa akong nalarong pares panyo noon.

 Ang mga variations na naisip ko para sa larong ito ay bawal nang hawakan ang panyo kaya mas madali nalang makakuha ang mga kalaban at  mas kakailanganin mo na ang tulong ng partner mo. Isa pang variation ay kailangang tig-iisang paa lamang ang gagamitin nang bawat players para mas mahirap. hehehe

Ang award na ibibigay ko dito ay: 

ANG PINAKA-BRUTAL-NA-AGAWAN AWARD 
(para sa mga panyo)

BILANGUAN: HULIIN NATIN SILA


Ang bilanguan ay isang laro, hindi ito yung kulungan nang mga kriminal, pero ang larong bilanguan ay may kinalaman din sa kulungan dahil isa itong laro ng dalawang grupo na kailangang ipasok ang mga kalaban niyo sa loob nang kanilang kulungan

Ganito ang mechanics:
Una, kailangan munang magdesisyon ng grupo kung paano hahatiin ang mga miyembro. Maaaring tatlo o higit pa ang kailangan para sa isang bilanguan. Maaari kayong gumawa ng maraming bilanguan kung gusto niyo. Ang gagawin lang niyo ay maghahawak kamay para makabuo ng closed circle o kahit anumang shape. Ang goal ninyo ay maipasok ang kalaban sa loob ng bilanguan ninyo pero kailangang makabitaw muna ang kalaban sa iba pa niyang kakampi para tuluyan na siyang maging preso ninyo. Pwede rin na buong bilanguan nang kalaban ninyo ang inyong maging preso kapag napasok niyo silang lahat. Sa huli, ang may pinakamaraming preso ang panalo.
Medyo brutal ito na laro dahil sa kailangan mong gumamit nang lakas para mapasok ang kalaban ninyo sa bilanguan ninyo at kailangan din mahigpit ang kapit mo sa iyong mga kakampi para di ka nila makuha.

Base on experience, brutal talaga ang game na ito lalo na kung sobrang competitive nang mga kalaban mo. Meron akong nakita na sobrang hinihila na siya pero di pa rin siya bumibitaw sa kakampi niya tapos yung iba nakataas ang kamay para di makuha ng kalaban. Sa huli, wala yatang nanalo sa amin.

Ang mga gusto kong gawing mga pagbabago o mga variations na gusto kong idagdag sa larong ito ay yung may mga taong hindi kasama dun sa bilanguan tapos sila lang yung huhulihin nang mga bilanguan. Tapos isa pang naisip ko ay yung kapag nakuha ka o naging preso ka nang ibang team, magiging kakampi ka na nila tapos masasama ka na sa bilanguan nila.

Wala naman akong naalala na naglaro ako nang katulad nang larong ito noong bata pa ako, ang naalala ko lang ay yung palakang walang kaawa awa. Tapos ang kapansin pansin sa mga naglaro ay si Louvile, siya yata yung kakampi ko na kung saan saan na dinila yung kamay ko.

Ang Award na ibibigay ko sa game na ito ay:

ANG PINAKAMASAKIT-SA-BRASO-AWARD
(nang bilanguan)

Martes, Marso 15, 2011

KADANG KADANG: BAO SA PAA


"Tayo'y magkadang kadang hangang sa dulo ng mundo"


Napakasaya ng larong ito na gugustohin mong maglakad nang may coconut shells sa mga paa mo buong araw, wag mo lang babasagin kasi baka paulitin ka sa starting line.

Ganito nilalaro ang kadang kadang, ito ay isang pabilisang laro na kung saan magpapaunahan kayong tumakbo o maglakad hangang saan niyo gusto pabalik sa starting line na may coconut shells sa mga paa at dun sa mga coconut shells na yun ay may nakakabit na tali na inyo namang hahawakan. Kapag natanggal ang tali sa inyong paa ay kailangan niyong umulit ng takbo simula sa starting line. At kapag nakabalik na kayo sa starting line ay ipapasa niyo na sa susunod niyong kakampi ang mga bao at sila naman ang tatakbo. Ang pinakaunang grupo na maubos ang mga players ang panalo.

Hindi naman kailangang mabilis ka dito katulad nang ginagawa nang mga classmates kong babae na para lang daw naglalakad sa catwalk pero masaya naman sila sa ginagawa nila haha. Tapos ang galing ni Paul kasi ambilis niya tapos nakakatuwa siyang panuorin lalo na yung paglakad niya, nanalo pa siya ng medal nung interclass para sa larong ito. At dahil nabanggit ko ang interclass nirerecommend ko na laruin ang kadang-kadang sa mabuhangin na lugar dahil mas masaya talaga na para kang natakbo sa disyerto na may buhangin  o usok effect pa.

At dahil sa larong ito, naalala ko tuloy noong bata pa ako, mga last year lang, pag general cleaning ng klase namin nung highschool pinaglalaruan namin yung mga bunot tapos paunahan kami makarating sa dulo ng room.

Kung meron akong gustong idagdag o baguhin sa game, gusto ko yung dalawang tao ang maglalakad at magshashare sila sa dalawang coconut shells at sila na rin ang bahala kung anong puwesto at strategy ang kanilang gagamitin basta bawal mahulog sa mga bao. Tapos isa pang naisip ko ay yung wala namang tali pero dapat na sa medyo madulas na lugar.

At dahil sa sobrang naenjoy ko ang larong ito ay bibigyan ko ang Kadang-kadang nang:
 1st place sa ANG PINAKAMAKULIT-NA-TAKBUHAN AWARD

CULLIOT: ANG LARO NG LAKAS


Ang culliot ay isang laro nang lakas sa lakas. Meron isang tali kung saan sa isang dulo ay itatali mo ang sarili mo at sa kabilang dulo naman ang kalaban mo. Kaya ito naging strength game ay dahil kailangan mong hilain ang tali para mapalabas ang iyong kalaban sa bilog na nakalibot dito.

Base on experience, para sa akin na hindi naman ganoon kalakas, eh napakahirap talagang manalo. Buti nalang ay kasing lakas ko ang nakalaban ko at nagawa kong manalo pero napakahirap parin talaga dahil nagpaikot ikot pa ako para lang mapalabas ang aking kalaban. Tapos yung mga classmate ko parang nag eenjoy lang sa kakanood sa amin. Pagkatapos ng laro, grabe! Halos magkasugat sugat na ang kamay ko. Kaya naman nung interclass competition, umiwas talaga ako sa culliot at talagang mas masayang manood. Hindi naman sa pinagtatawanan ko sila, natutuwa lang talaga ako sa reaksyon nila at sa pagchicheer.
Ang most valuable player ng larong ito ay walang iba kundi si Neshi lang at wala nang iba. (joke) pero siya talaga ang sa tingin ko ang pinakakinareer ang larong ito.

Mas masayang laruin ito kung may mga variations katulad nang naisip ko na iisa lang o dalawa ang nasa loob nang bilog at may mga tao rin sa labas nang bilog na tumutulong humila pero di sila pwedeng lumagpas sa gitnang linya. Isa pang variation na naisip ko ay may tig tatatlong magkakalinyang bilog bawat grupo at may tig iisang tao bawat bilog.

Ang ibibigay kong award dito ay: 

ANG PINAKA-BRUTAL-SA-LAHAT AWARD